Skip navigation

ANG TINUTUKOY po natin dito ay ang EDSA 1, ang People’s Power Revolution noong Pebrero 1986.

Sinubukan kong magtanong sa mga kabataan ngayon, edad 20-25, kung ano ang halaga sa kanila ng EDSA People’s Power Revolution at kung ano ang palagay nila na na-accomplish nito 20 taon mula nang mangyari.

Kaso, ibinalik sa akin ang tanong! May nagtawanan pa nga, pero okey lang sa akin kahit gusto ko na silang sabunutan.

Ano raw ba ang nangyari noong unang EDSA People’s Power? Ang gusto raw nilang malaman ay ang totoong nangyari. Hindi ko masagot nang diretso, o kulang ang sagot ko, dahil nang subukan kong ipaliwanag ay sinagot ako na napag-aralan na raw nila sa eskuwelahan ‘yun.

Napag-aralan nga nila.

Kaya para sa inyo, susubukan ko ulit na ihatag at sariwain ang mga pangyayari, base sa natatandaan ko, sa narinig kong kuwento, at sa mga nabasa ko.

FEB 22-25 1986

Hindi nagsimula ang EDSA 1 noong Pebrero 22. Sa palagay ng nakararami, nagsimula ito noong Pebrero 7, 1986, nang magkaroon ng snap elections. Tulad ng dapat asahan, tumakbo si Presidente Ferdinand Marcos, at iniharap sa kanya ng oposisyon si Corazon Aquino, ang biyuda ni Sen. Ninoy Aquino.

Nananalo si Marcos sa bilangan ng Commission on Elections (10,807,197 laban sa 9,291,761 ni Cory) at sa quick count ng National Movement for Free Elections (7,835,070 laban sa 7,053,068).

Pero may mga ulat ng dayaan, kaya naglabas ng statement ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kinukondena ang halalan. Nag-walk out ang mga canvassers ng Comelec sa bilangan sa Batasang Pambansa.

Pebrero 22, nagpatawag ng press conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Fidel Ramos at natulig ang lahat nang ihayag nila na kumakalas na sila sa pamahalaang Marcos. Magkakaalyado sila ng halos 20 taon.

Idineklara ng dalawa na si Cory ang nanalo sa eleksyon, at inokupa ang Camp Aguinaldo (ni Enrile) at Camp Crame (ni Ramos), naghanda sa maaaring pag-atake ng mga tropang loyal kay Marcos sa pangunguna ni Chief of Staff Fabian Ver. Nasa likod ni Enrile si Col. Gregorio “Gringo” Honasan.

Gabi ng araw na iyon, nagsimulang magdatingan at magkumpulan sa EDSA sa pagitan ng Crame at Aguinaldo ang mga tao, salamat sa panawagan ni Jaime Cardinal Sin sa Radio Veritas na barikadahan ang dalawang kampo upang hindi mapasok ng mga tropa ni Marcos ang dalawang defectors. Nanguna ang mga pari at madre sa barikada.

Pinutol ang tower ng Radio Veritas at wala nang isinahimpapawid na kaganapan sa EDSA at panawagan ni Sin. Pero hindi tumigil ang pagdagsa ng mga sibilyan, walang armas maliban sa dalang mga rosaryo at dalangin. Binubunot lang nila at itinataas ang L-sign, ang LABAN na naging senyal ng oposisyon.

Pebrero 23 ng tanghali, nagsanib-puwersa sina Ramos at Enrile, binaybay ng Defense Minister ang EDSA patawid sa Crame.

Naggigirian ang libu-libong tao sa EDSA at mga naka-stand by loyalist troops ni Marcos, ‘yun bang isang tulak lang ay paniguradong mag-uumpisa na ang hatawan, maaaring putukan pa.

Madaling-araw ng Pebrero 24, unti-unting lumapit ang Marines na loyal kay Marcos sa gawi ng Libis at nagkaroon na naman ng tensyon. Napasok ng mga Marcos loyalists ang Aguinaldo.

Inatasan ang isang strike wing ng Air Force na i-neutralize ang Camp Crame, pero sa malas ay nag-defect na pala ang binigyan ng order at sa halip na bombahin ang kampo, nag-landing pa sila roon at sumanib kina Enrile at Ramos.

Bandang hapon, inatake ng helicopters ng mga rebeldeng sundalo ang Villamor Air Base, at isa pa ang nagpakawala ng bomba sa Malacañang. Kasabay nito ang defection ng halos majority na ng AFP, lalo ang mga opisyal na graduates ng Philippine Military Academy.

Base sa rekord, nag-uusap umano sina Ver at Marcos noong gabing iyon at sinasabi ni Ver na delikado na ang lagay ng administrasyon, at dumarami na ang tao sa EDSA kaya kailangan nang solusyunan.

Gusto raw ni Ver ay bigyan siya ng order “to open fire” sa mga tao sa EDSA, pero tumanggi si Marcos. Sinasabi ng marami na sa oras na iyon ipinakita ni Marcos ang kanyang statesmanship.

“My order is not to attack…..disperse the crowd without shooting them,” utos ni Marcos.

Pebrero 25 nga umaga, pinanumpa ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee si Corazon Aquino bilang ika-11 Presidente ng Pilipinas sa Club Filipino sa likod ng Crame. Si Justice Vicente Abad Santos naman ang nagpasumpa kay Salvador Laurel bilang Bise Presidente ni Cory.

Gumawa rin ng sariling inagurasyon si Marcos sa Malacañang, at pagkatapos ay kumanta sa balkonahe si Imelda Marcos ng Dahil Sa ‘Yo.

Pero hindi na mapigilan ng Marcos loyalist troops ang pagdagsa ng mga tao sa Mendiola, at ilang rebeldeng sundalo na ang nagbabanta ng pag-atake.

Alam na marahil ni Marcos na hindi na niya kayang manatili sa Malacañang, kaya diumano’y tumawag pa ito sa US para manghingi ng advice.

Kinahapunan daw, tumawag na rin si Marcos kay Enrile at humihiling ng “safe conduct” para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Alas-nuwebe ng gabi, sumakay ang pamilya Marcos sa helicopter ng US at dinala sila sa Clark Air Base, bago tumulak patungong Guam at dumiretso ng Hawaii.

PAGKATAPOS NG 20 TAON, ANO NA?

Sa pananaw ni Mang Gener Verdad, isang guro na noong panahon ng EDSA ay isa rin sa mga unang nakihalubilo sa mga tao, hindi raw niya maintindihan kung bakit napunta sa wala ang People’s Power Revolution.

“May nangyari ba? Wala. Naghihirap pa rin tayo. Lalo pa ngang naghirap. Sana ay pinabayaan na lang natin ang Pilipinas na pinamunuan ni Marcos. Nagsisisi nga ako kung bakit pumunta pa ako roon,” pahayag ng guro.

Pero para kay Gringo, hindi pa raw obsolete at hindi pa patay ang People Power, ang EDSA 1. pero huwag daw nating gamiting modelo ang EDSA 2.

“kakaiba po ang panahon ngayon, umasa tayo sa kakayahan ng kabataan natin lalong-lalo na kayo na pagdating ng panahon na kayo na ang mamumuno. Ang inialay naming sa saling-lahi ninyo, sa henerasyon ninyo, ‘yung aming partisipasyon noong 1986 People Power Revolution 20 years ago,” ani Gringo.

Iba na raw ang panahon ngayon pero umaasa pa rin ang mga “movers” nd EDSA 1 sa kakayahan ng kabataan na mamuno sa hinaharap. Pero makalipas daw ang 20 taon, maraming gumagamit sa EDSA 1, nagamit sa pulitika, pero nakalimutan ang reporma.

‘Yung tao ang kumbinsihin [ng gobyerno. Kung maayos ang pamamahala ay walang problema pero kung may agam-agam…e problema ‘yon,” diin ni Gringo.

Sabi naman ni Alex Boncan, 24 at isang estudyante, wala na raw, tapos na raw kasi ang EDSa 1. mahirap pa rin daw ang Pilipinas at sa palagay niya ay mas mahirap pa ngayon kumpara sa mga kuwento ng mga nakakatanda 20 years ago.

“Bakit pa natin pahahagalahan kung wala namang nangyayari? Bahagi na lang ng history yan,” pananaw ni Boncan.

Isa namang photographer, si Reynold Malingin, 30, ang nagsabi na may halaga raw ang EDSA 1 dahil ipinakita nito ang pagkakaisa noong panahon ng diktadurya.

“Hindi natin dapat na kalimutan at sa Palagay ko mangyayari uit ‘yun pag kinakailangan na. Sa ngayon, mukhang malapit na ulit,” obserbasyon nito.

Si Maureen Sandoval, 34-anyos na wedding planner, ang halaga na lang dawn g EDSA sa kanya ngayon ay ang katotohanang araw-araw siyang dumadaan doon kahit trapik.

“Nakikita ko naman ang People’s Power monument. Sapat na ‘yun na nakikita ko siya para ipaalala sa akin na minsan ay may napatalsik na diktador dahil sa pagkakaisa ng mga tao. Pero kung may nagbago? Ewan ko lang,” pahayag nito.

Wala na raw halaga, ayon naman kay Erica Rollon, 45, dahil pinakialaman lang nga tao ang kasaysayan.

“Mamamatay din naman si Marcos, sana hinintay na lang. Mapapalitan din naman siya, ang Presidente, baka nga nagbago pa tayo kung nagkaganun. Baka nga mas maunlad pa tayo ngayon. Mapakialam kasi tayo,” deklara nito.

ANU’T ANO man, bahagi na ng kasaysayan ang EDSA 1, sa ayaw at sa gusto natin. May isang napalitan, pero ang pumalit? Kasaysayan din ang maghuhusga kung ano ang mangyayari.

Ang malinaw ay ito: napatunayan ng buong mundo na hindi kailangang magbuwis ng buhay o dumanak ang dugo para sa pagbabago.

Sa akin? Hindi ko din alam kung may nagbago. Meron nga ba? Ang alam ko kasi sa rebolusyon, pagbabago ng isang sistema. Sa sistema, hindi sa mga taong nagpapatakbo ng sistema.

Marami pang EDSA na puwedeng mangyari. Ganun lang pala kadali ang magpalit ng mga personalidad. Kailangan ang kooperasyon ng military, at ang pagkakaisa ng mga tao. Meron pa ba kaya nito ngayon?

  1. wala na. nakakabadtrip. paulit-ulit.

    “Ganon talga tol paulit ulit lang kaya nga sabi ng mga nag aral sa kasaysayan sa ang susi sa kinabukasan ay makikita sa nakaraan. Saka tol ang kasaysayan ng ating bansa ay paulit ulit lamng na mangyayari”

  2. i don’t lose hope.

    “MASTEROFDCRIME: Nice tol tama yan be positive thinker dont lose hope wano man mangyari”

  3. magaling! sana i publish din ng manila bulletin ang printed issue nila regarding sa edsa 1! mas definite at may mga pictures pa ang isyu nilang yun. ^^

    “MASTEROFDCRIME: Tnx po heheheh sana maging friend teo”

  4. sana marami pang mga impormasyong tungkul sa mga pangyayari sa ating bansa…..

    “MASTEROFDCRIME: Geh pag may mga mahahalagang pangyayari sa ating country post ko un here.”

  5. tang ina naman oohh ? ang pange naman ng mga ganyan nio ? puro mga walang kwentah huh ????? tingnana moh ung sakin ang ganda ? putang ina nio talagah noh ???? mga GAGO GAGOGAGO kayo ?

    • KATRINA PENARADA
    • Posted Pebrero 24, 2011 at 3:49 hapon
    • Permalink
    • Tugon

    para sa akin ano mang uri ng pagpapabagsak ng isang personalidad upang magkaroon ng pagbabago ang ating bayan ay hindi mahalaga.Sapagkat tayo ang dahilan kung bakit nag hihirap ang ating bansa,at kung bakit patuloy pa rin ang ating paghihirap na nararanasan ngayon.Bagamat napagsak natin si Marcos sa kanyang posisyon noon, hindi ito nangangahulugang tuluyang nagbago ang ating sitwasyon ngayon.

  6. mahalaga ang EDSA1 pra sa akin, dahil ipinaaalala nito ang ang isang pangyayaring kailan man ay hindi mabubura sa isipan ng mga tao.Ang pagkaka-isa ng taong bayan sa iisang mithiin na magkaroon na pagbabago sa pamahalaan, at isang laban na kung saan nagsimula at nagtapos sa maayos at mapayapang pamamaraan na walang dugong dumanak.Ngunit sa pagbabago ng ating pamahalaan ay mas naging abusado ang karamihan sa atin at kung minsan pa nga’y nawawalan na ng halaga ang mga batas na binuo sa bago nating pamahalaan.PANAHON NA poH!!! upang magbago, hindi natin kailangang isisi palagi sa namamahala ang lahat ng kahirapan na ating nararanasan.Nasa atin po ito, tayo po ang sumusulat ng ating sariling kasaysayan.

      • jewel echevarria
      • Posted Pebrero 26, 2013 at 4:13 hapon
      • Permalink
      • Tugon

      nice one ate katrina,tama po ang lahat ng iyong paliwanag….
      sna lht ng bta ngaun ay mgng gnyn din ang pana2w sa buhay nila…. :) O:) <3

    • Katrina penaranda
    • Posted Pebrero 24, 2011 at 4:09 hapon
    • Permalink
    • Tugon

    fg

    • Katrina penaranda
    • Posted Pebrero 24, 2011 at 4:10 hapon
    • Permalink
    • Tugon

    xD:)))

  7. Aanhin pa natin ang rebolusyon kung wala naman ng bago sa ating bansa,lalo lang dumagdag ang mga buhaya sa ating pamahalaan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: